Circle of Friends kung tawagin ng anim na magkakaibigan and barkadahan nila. Lahat sila at may pagkakapareho, sa pangalan (lahat kasi sila at may Maria); sa propesyon (lahat guro) at pag-ibig. Pero maging magkakaibigan pa din kaya sila kung malaman nila ang pagkakaiba at lihim ng isa't isa? 1. Si Maria Majarlika Altarejos o mas kilala sa nickname niyang Maja ay isang English major teacher na ubod ng kwela, makikilala niya ang isang lalaki na magpapabago sa makulay at masaya niyang buhay. Abangan ang kanyang buhay pag-ibig sa "I love you, Ma'am!" 2. Si Maria Kendra Domingo o mas kilala sa nickname niyang Kenny ay isa namang Mathematics major na ubod ng arte pero 'pag dating sa mga kaibigan ay wala kang masasabi; makikilala niya ang lalaking magpapabago sa ugali niya sa hindi inaasahang pagkakataon. Abangan sila sa "I hate you! I love you, too!" 3. Si Maria Winona Bianes o Winwin ay ang bunso ng barkada, tahimik at napakakonserbatibo. Ngunit mag iba kaya ang pananaw ng nakararami pati ang barkadahan kapag nalaman ang pinagkakaingatan niyang sikreto? Matanggap pa kaya siya ng mga kaibigan niya? Abangan ang kwento niya sa "My Father's Lover".