The Hired Playmate

The Hired Playmate

  • WpView
    Reads 24
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Mon, Oct 10, 2022
Nakahalukipkip ang batang babae habang tila nandidiring nakangiwi sa isa pang batang nasa harap niya. Kung tatantiyain ay nasa anim na taong gulang pa lamang ito habang ang kaharap ay wari'y matanda lamang ng mahigit isang taon. "But mom look, he's a boy! Why do I have to play with him?" himutok nito na parang maiiyak na. "Stop being a brat, Xania. He is going to be your playmate from now on, understand?" iyon lang at tumalikod na ang ina nito upang umalis kaya naman naiwan silang dalawa ng batang lalaki. "Hey you, what's your name?" aniya habang nakaduro. "Don't you me, you bratty spoiled princess, my name is Rai," anito naman at umupo sa kalapit na upuan tsaka magkasalubong ang kilay na tiningala ang nanggagalaiting batang babae. "I hate you-" "Good thing, so do I," "I guess you're so poor that mommy had to hire you to play with me!" hiyaw nito na kulang nalang ay dambain na ang batang lalaki. "I guess you're so mean that your mommy needed to hire me so you can have someone to play with you because your friends don't like you!" gagad nito sa tono ng nauna. "I hate you!" Iyon marahil ang una't huling beses na nakita niyang umiyak ang batang babae, dahil pagkatapos noo'y-
All Rights Reserved
#236
lovehaterelationship
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4
  • My Cassanova Prince
  • OWNED BY A GOD (Nepumoceno Series #2) #ImOnWattys2018Shortlist
  • Little Do You Know
  • Puppy Love
  • VEXATIOUS BARGAIN
  • Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)
  • My Husband Is Also My Professor
  • RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )
  • RUNNING INTO MR. MAFIA |BK 1|COMPLETED

~~~ "Well, let me tell you something, baby. Magsasama tayo whether you like it or not, whether you will it or not, and whether you've got dirt in your mind or not, magsasama tayo bilang mag-asawa at walang makapagpapabago doon kahit ikaw!" ~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "You're right I'm a rake." Nagbabanta ang mga matang nakatutok sa kanya. "And a rake gets what he wants. And I want you badly, you'll be mine all over again." Mapanganib na pangingislap ng mga itim na diyamante sa mata nito. Dapat ay muli siyang panginigan sa pagkaalarma ngunit isiniksik niya sa isipan na matagal na siyang nakawala dito. At doon nagising ng tuluyan ang kamalayan niya ng itulak ito palayo sa kanya. Ngunit ang tanging itinugon niya dito ay isang nanunuyang tawa... malulutong at nakakabinging halakhak... "And by the way," hindi niya napigilang idagdag. "I'm not your friend. I never have been..." At tuluyang ibinigay niya ang kanyang malamig na balikat at nilisan ito. Ngunit sa loob-oob niya nanginig ang buong kalamnan niya sa bantang binitawan ni Nicholas sa kanya. Alam niyang hindi ito nagbibiro. Kailanman ay hindi nagbiro ang isang pirata. Ngunit para sa kanya ang pirata na bumihag sa kanyang puso ay matagal nang nakabaon sa limot...

More details
WpActionLinkContent Guidelines