Ano-ano ang mga bagay na meron ka? Mga gamit na masasabing pag-aari mo? Mga tao, kaibigan, at pamilyang tatanggap sa iyong pagkatao? Alin at ano dito sa mundo ang matatawag mong sa iyo? ㅡSa buhay ng isang Gabriella Faith Rivas, lahat ng bagay at tao na umiikot at nakapaligid sa kanya ay parang mga bato. Lahat walang halaga, lahat ay di matawag na pag-aari nya. Namuhay sya na ni-ultimo apelyido ay ipinahiram lang sa kanya. Nabuhay na sarili ang nagpapakain sa kanya. Ano nga bang pakiramdam ng isang Gabriella Faith Rivas na walang ibang meron kung di ang sarili nya? Pano nya papasukin ang mundong pagbibigay hustisya sa iba kung ang mismong pagkatao nya ay di nabigyang hustisya? Sa bawat babaeng nawawala, naglalahong parang mga bula.. at nababalitaang napatay.. Ano nga ba ang kinalaman nya? __________ © All Rights Reserved Started date: 05/20/17 End : ----