May nais akong sabihin. 'Di ko lang alam kong paano ko gagawin.
Mula sa una beses kitang makita at masilayan ang matatamis mong ngiti. Di ko naiwasan, ako ay nahalina sa'yo.
Pinabilis at pinabagal mo ang mundo ko. At nagpapaaligaga nitong puso ko.
Sa mga panakaw na sandali. At sa mga saglit na titig at pasimpleng pakikinig sa mala musika mong tinig.
Ako ay nahulog...
Ng mas malalim at hirap ng makaahon.
Masarap ang magmahal ang mahirap ay 'yung katotohanang ikaw lang ang nakakaalam.
Masasabi ko pa kaya ang mga katagang, gusto ko sanang iyong mapakinggan na......
Simpleng salita pero di ko masambit ng tama na.....
MAHAL KITA, ROBIEN
An entry to Glimpse OSS: Love at First Glimpse