Story cover for Full Moon by livingpucca
Full Moon
  • WpView
    Reads 4,811
  • WpVote
    Votes 96
  • WpPart
    Parts 6
  • WpHistory
    Time 1h 8m
  • WpView
    Reads 4,811
  • WpVote
    Votes 96
  • WpPart
    Parts 6
  • WpHistory
    Time 1h 8m
Ongoing, First published May 20, 2017
Mature
Sabi sabi ng mga tao, tuwing kabilugan ng buwan ay may mga aswang. Ang sabi ni star gazer, tuwing alas tres ng umaga gumagala ang mga kaluluwang hindi matahimik. Sa tuwing umaalulong ang mga aso sa gabi, ito daw ang senyales na may mamamatay o may namatay. Marami ring naniniwala sa mga sumpa, napaglaruan, kulam, kilkig, gayuma at kung ano ano pang may mahika na kinasusuklaman ng may mga Panginoon. Sa kwentong katatakutan 'yan ang madalas nating naririnig na nakakapagpakilabot sa atin ng matindi.

Ngunit sa mundong mas makatotohanan...

May mga taong walang awang pumapatay at ginagawa pa itong libangan. May mga taong walang awang nagpapahirap ng tao. May mga taong madugong gumagawa ng krimen. Ito ang mga kwentong madalas na nakapagpapakaba sa atin ng matindi dahil baka mangyari sa atin.

Ngunit, ano nga bang mas nakakatakot?

Ang mga demonyo o... ang tao?




Sa bayan ng Siwang ay hindi matapos tapos ang krimen ng pagpatay at nawawalang mga tao. Ang sabi ng mga chismosa ay dahil ito sa mga aswang subalit pinabulaanan naman ito ng mga tambay sa gabi. Ano nga ba ang nangyayari? Walang silbi ang mga hepe dahil sila mismo ay namamatayan rin.

Sa kasalukuyang henerasyon, limang buhay ang madadamay. Magsisilbing pag-asa o muling biktima ng kasamaan. Ang hindi nagwakas na sigalot sa nakaraan ay mananatili pa rin sa kasalukuyan. Ngunit ang misteryong kamatayang hindi maipaliwanag ay kailangang maintindihan nang sa gayon ito ay mawakasan.

Napakagulo, paano nga ba magtatapos ang gulong ito?
All Rights Reserved
Sign up to add Full Moon to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) by Vilethornea
43 parts Complete
BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?
BLOODY AFFECTION (COMPLETED) by missdexterity
37 parts Complete
[R-18 ay kung saan saan, kayo ay mag iingat lamang] Maxine Kataleya De Vera o kilala bilang Maya ay isang ordinaryong dalaga na merong miserableng pamilya. Hindi sya nakapagtapos ng pag aaral sapagkat mas inuna nya ang kahirapan ng kanyang pamilya. Kinuha sya ng kanyang Tita Amalia upang tumira sa kanya at magkaroon ng maganda at masaganang buhay. Nang tumira sya doon ay nakilala nya ang lalaki na may kakaibang lakas ng loob para kunin ang kanyang puso. Cassius Azreall Velasco, isang bampira na isang dalaga lamang ang nais. Pangil, pulang mata, maputing balat, isa sa mga katangian ng lalaking nagnanais kay Maya. Makukuha nya nga ba ang magandang dalaga? O papaasahin sya nito hanggang sila ay tumanda? Hindi natin sigurado kung anong mangyayari, kung sabay nga ba silang tatanda. Iniimbitahan kayo nina Maya at Cassius na basahin at subabayan ang kanilang istorya na puno ng kalaswaan, lambingan, away, pagmamahalan at tampuhan. ~~~ Hindi ko po iniba ang plot ng story, ang description lang po kasi ang pangit naman sigurong tingnan kapag english yung description tapos tagalog yung story ano? HAHAHAHA. Nakapagdesisyon na kasi akong e full tagalog na talaga at tyaka sorry pa iba iba talaga utak ko hindi kasi ako sure sa buhay ko HAHAHA. Maraming eksena ang hindi maaaring basahin ng isang bata sa istoryang Ito. Maraming kalaswaan na hindi dapat pinapakita sa bata. Kung maaari ay huwag na lamang ituloy kung hindi mo nais na maging berde ang iyong utak. Salamat sa iyong pagbabasa binibini/ginoo ako ay nasiyahan sapagkat narito ka sa aking ginawang istorya. Naway patuloy mong suportahan ang isang tagasulat na ito.
Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms] by Aristeia_Lapiz07
18 parts Ongoing
Sa isang iglap, nagbago ang tahimik na mundo ni Luxcia, isang mortal na babae mula sa karaniwang daigdig nang siya'y biglang mapadpad sa mahiwagang mundo ng Irotia, isang lupain na tanging sa mga alamat at panaginip lang umiiral. Sa mundong ito, namamayani ang mga nilalang na matagal nang nawala sa gunita ng tao. Bampira, aswang, lobo, diwata, mangkukulam, duwende, at mga elfeng mandirigma at marami pang iba. Sinasabing si Luxcia ang pinili ng kapalaran, ang tagapagligtas na tanging makapagliligtas sa Irotia at sa kanyang sariling mundo mula sa isang paparating na kadiliman. Upang maisakatuparan ang kanyang tadhana, kailangan niyang maglakbay sa pitong makapangyarihang kaharian: Vandoblade (kaharian ng gabi), Worolof (lupain ng mandirigma), Nanturia (gubat ng kalikasan), Magicolonia (kaharian ng mahika), Atlantaria (Kaharian sa ilalim ng dagat), Aerolia (Kaharian sa kalangitan), at Ferolia (Kaharian ng Apoy). Sa bawat kaharian ay nakatago ang isang Circle of Power, sinaunang kapangyarihang nagsisilbing susi upang mabuo ang isang puwersang kayang itaboy ang kadiliman. Kasama ang mga bagong kakampi at kaibigang may kanya-kanyang lihim, haharapin ni Luxcia ang mga pagsubok, pagtataksil, at ang mga misteryong bumabalot sa kanyang pinagmulan. Ngunit sa isang mundong puno ng hiwaga, sino ang tunay na kakampi? At handa ba siyang harapin ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao? Tunghayan ang paglalakbay ni Luxcia sa mundo ng mahika, kapangyarihan, at tadhana.
ESTRANGHERO by Njea_Fornaliza_027
17 parts Ongoing Mature
Pinili ni Talia na manirahan sa maynila at kalimutan ang lugar na kinalakihan. Sa probinsya ng kanyang mga magulang pati ng pinakamamahal niyang lola. Marami mang magagandang bagay at ala-ala na dahilan para manatili siya ay lamang parin ang lungkot at nakuha niyang sakit sa puso na dahilan ng tuluyan niyang paglisan sa lugar na yun. Mga alaala sa mahal niyang mga magulang pati narin sa lola niya na namayapa na. Ngunit sa paglipas ng maraming taon, nagpasya si Talia na bumalik muli sa lugar na pinili na niya sanang kalimutan ng malaman nito ang nangyari kay Celia, hindi niya tunay na kapatid. Anak ito ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Subalit hindi man tunay na kadugo ay labis ang pagmamahal niya para sa kinikilalang kapatid. Agad-agad siyang umuwi ng malaman na naaksidente ito. Pero ganun nalang ang inis niya ng malamang hindi totoo ang aksidenteng nangyari sa pilyang kapatid, palabas lang pala nito yun. Nagalit siya dito dahil hindi magandang biro ang balitang nakarating sa kanya at dahil doon, nagpasya siyang bumalik na sana ng maynila pero dahil sa hindi niya ito matiis. Ayaw man niya, nagpasya siyang manatili nalang muna doon kahit na mga isang linggo dahil narin sa pamimilit nito lalo pa't darating narin ang nalalapit na kaarawan nito. Subalit sa pagbabalik at sa pananatili niya, unti-unti niyang malalaman na ang dating payapa na lugar na kinalakihan ay mayroon palang nakakakilabot na nagaganap sa kasalukuyan. Kasabay nun, makikilala niya ang isang misteryusong lalaki na laging nagpapakita at siyang makapagbibigay ng kakaibang takot sa kaniya. Kasabay ng pagkakatagpo ng landas nila ng lalaki malalaman niya ang katutuhanan tungkol sa totoong dahilan ng pagbabalik niya sa lugar na yun na makakapagpabago ng paniniwala at tiwala niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. I'm not professional author, writen is just a hobby that i really enjoy! Votes and comment are highly appreciated. Dont forget to click the follow button. Thank you!✨💕
"OWNED BY THE PSYCHOPATH" by sunmaruuramnus
54 parts Complete Mature
Hirap na hirap na umakyat si Annika na pumasok sa kanyang kwarto. Bigat na bigat ang kulay pink na gown niya... Debut niya ngayon, at pagkatapos ng mahabang gabi, pagod na pagod siyang nag tungo sa kwarto.. Napaupo siya sa kama, pero may ngiti sa labi-masaya siya dahil sa marangyang debut na inihanda ng kanyang mga magulang. Napansin niyang bukas ang veranda ng kanyang kwarto. Napakunot ang noo niya, pero alam niyang wala namang magtatangkang umakyat doon-mataas ang lugar at puno ng tauhan ng kanyang ama ang mansion, kibit balikat na nag tungo siya Doon at marahang isinara ang pinto ng veranda . Agad siyang humiga. "SA wakas 18 na ako..." bulong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang susi ng suite na regalo ng kanyang ama. Pinayagan na siya nitong mag-bukod, kahit tutol na tutol ang mommy niya.. Dahil sa pagod at antok, hindi nagtagal ay nakatulog na siya, iniwan ang magarbong gabi sa likod niya. Saglit palang Siyang nakatulog nang maalimpungatan si Annika. May naramdaman siyang kakaiba... parang may nakatitig sa kanya, parang may nagmamasid sa bawat galaw niya. Biglang may humaplos sa mukha niya-napadilat Siya dahil doon, mabilis siyang napabangon. "Who's there?!" napakalakas niyang bumulong, ngunit ang tanging sagot ay katahimikan. Luminga siya sa paligid, pero wala naman tao. Ang puso niya'y mabilis tumibok, parang may naririnig siyang mga yabag sa malayo. Napansin niya na bahagyang gumalaw ang kurtina sa veranda ng kanyang kwarto. Lumapit siya, dahan-dahang binuksan ang pinto... ngunit walang tao. Muli, nagkibit-balikat siya, sinusubukang patahimikin ang kaba. Saka bumulong sa sarili, halos pabulong, "Ang... weird... ."
Almost, always by yanamahal420
13 parts Ongoing
May mga tao talagang itinadhana mong makilala... pero hindi para manatili. Sa isang daigdig na tila laging kapos sa tamang panahon, paulit-ulit silang pinagtagpo-si Drake, ang lalaking may matang laging tila may tinatagong lungkot, at si Nica, ang babaeng masyadong marunong magmahal kahit pa sinasaktan ng pagkakataon, Isang beses silang nagkita sa bus habang parehong pauwi sa magkaibang direksyon. Pareho silang haggard mula sa araw, pero hindi mapigilan ng tadhana ang pagdikit ng mga mata nila. Isang ngiti. Isang sulyap. Pero bumaba si Nica nang hindi man lang nakapagpaalam,Sa isang bookstore. Sa isang ulan. Sa isang ospital. Sa isang lamay. Iba-ibang tagpo. Iba-ibang lugar. Laging tila aksidente, pero laging may koneksyon, Pero kahit gaano pa kadalas silang pagtagpuin ng mundo, lagi rin silang pinaghihiwalay-parang may aninong pilit na humihila sa isa sa kanila palayo sa isa't isa. Minsan isang pangyayaring trahedya. Minsan isang tawag na kailangang sagutin. Minsan isang taong bigla na lang babalik mula sa nakaraan. Hanggang sa napagod na si Nica sa kakahintay. Hanggang sa nagtanong na si Drake: "Bakit hindi pwedeng sabay tayong piliin ng tadhana? Ngunit paano kung may dahilan kung bakit sila laging pinaglalayo? Isang lihim na kailangang tuklasin. Isang kasaysayang hindi pa nila alam... na noon pa pala silang dalawa magkaugnay. At kung kailan handa na silang ipaglaban ang isa't isa-doon nila maririnig ang pinaka-misteryosong sagot ng lahat."Hindi lahat ng pag-ibig, para sa ngayon.
You may also like
Slide 1 of 10
Marked by a Mafia Boss cover
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) cover
BLOODY AFFECTION (COMPLETED) cover
PASST - Ang Sistema At Ang Multo [✅ COMPLETE] cover
Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms] cover
The Secret Island cover
ESTRANGHERO cover
THE LOST NECROMANCER (BOOK 1 COMPLETED) cover
"OWNED BY THE PSYCHOPATH" cover
Almost, always cover

Marked by a Mafia Boss

73 parts Complete

APRIL SAVENYA Maganda. Matangkad. Sexy. Half-Filipina, half-Russian - isang tanaw mo pa lang, alam mong may halong panganib at lambing sa bawat ngiti niya. Ang mga matang asul na namana niya sa kanyang ama ay tila dagat na marunong magtago ng bagyo - kalmado sa ibabaw, pero delikado kapag nilapitan mo nang sobra. Lumaki siya sa Italy matapos mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente, at pinalaki ng lola niyang matapang gaya niya. Sa likod ng ganda at tikas, si April ay babaeng marunong lumaban - hindi lang sa buhay, kundi pati sa lalaking may kakayahang guluhin ito nang buo. Isang babae na marupok lang sa isang tao - kay Clark Veyne Arselth. --- CLARK VEYNE ARSELTH Siya ang tipo ng lalaking hindi mo basta lalapitan - mafia boss na kinatatakutan at iginagalang ng lahat. Matangkad, maputi, matikas, at may mga berdeng mata na parang laging nagbabantay ng lihim. Tahimik pero nakamamatay, maamo pero delikado kapag nasaktan. At sa ilalim ng lahat ng yelo sa puso niya, nando'n ang apoy na tanging si April lang ang nakapagpapaalab. Sanay siyang makuha ang gusto niya - hanggang sa dumating ang babaeng hindi niya mabasa, hindi niya matakasan, at hindi niya kayang bitawan. Si Clark Veyne Arselth, ang lalaking nagpatunay na kahit ang halimaw... marunong ding umibig.