Binibining Francisco (COMPLETED)
23 parts Complete "Almost perfect" kung ilarawan si Cassandra Montemayor ng mga taong humahanga sa kaniya. Halos lahat ng magagandang katangian ay nasa kaniya na: maganda, matalino, mabait at mayaman. Ipinanganak din siyang mayroong maraming pribilehiyong tinatamasa sa buhay. Higit pa sa sapat ang kayang ibigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang at ang lahat ng kaniyang gusto ay kaniya ring nakukuha kaagad. Gayunpaman, hindi pa rin siya masaya sa kaniyang buhay dahil sa mga hinaing niyang hindi nalalaman ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Isang araw ay nagising na lamang siya sa katawan ng isang ginoo na nabuhay sa taong 1860, panahon pa ng mga Kastila. Si Francisco Catacutan ay isang pangkaraniwang mamamayang Pilipino na naging biktima ng pananakop, pang-aalipin, katiwalian, pagmamalupit, kawalan ng hustisya, at bulok na sistema ng pamahalaan.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkapalitan ng katawan ang dalawang tauhan na siyang naging daan upang maranasan at maunawaan nila ang pakiramdam ng mabuhay sa estado at panahong kinabibilangan ng bawat isa.