Gaano kalayo ang mararating mo sa karera ng pag-ibig? Gaano kalayo ang agwat sa isa't isa para masabing tama na? Ang mga tanong sa isipang handang mabigyan ng kasagutan ay gugustuhin mo pa ba kung kapalit nito ay kasagutang hindi mo rin naman pala magugustuhan? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang pagmamahal na walang kasiguraduhan? Hanggang saan ang maabot ng pag-ibig mo sa taong alam mong malabong mapasaiyo? Hanggang saan?