BOBET UNEXPECTED LOVE
"Rene Baterbonia, crush kita!"
Isang sigaw.
Isang tinginan.
Isang tres.
At isang date na hindi kailanman inasahan ni Mariestella Romero.
Bilang isang independent, dean's lister, at first-year representative ng De La Salle University, sanay si Mariestella na unahin ang responsibilidad kaysa sa pag-ibig. Ngunit sa isang school mission sa Davao, nakilala niya ang campus basketball sensation na si Rene Baterbonia-ang lalaking noon ay pinapanood niya lang sa screen.
Dahil sa kalokohan ng kanyang mga kaibigan, napunta siya sa gitna ng basketball court, naging sentro ng atensyon ng maraming tao, at hinamon si Rene na i-date siya kapag naipasok nito ang bola sa ring.
At na-shoot nga.
Pero paano kung ang isang nakakakilig na unang pagkikita ay simula lang pala ng mas malaking kuwento?
Sa likod ng mga ngiti, may mga pangarap na kailangang tuparin, mga lihim na unti-unting mabubunyag, at mga taong susubok sa pag-iibigan nilang nagsimula sa isang simpleng "crush."
Hanggang saan kaya aabot ang isang pag-ibig na isinilang sa gitna ng basketball court?
A campus romance filled with kilig, comedy, friendship, family, heartbreak, and the kind of love that comes when you least expect it.