Sinubukan mong ibigay ang lahat. Sinubukan mong gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay makakabuti para sa inyong relasyon. Ngunit sadyang may mga bagay talaga na dapat na isantabi na lamang. Mga pangyayaring akala mo ay sapat na upang mas mapagtibay ang inyong relasyon. Ngunit ang inakala mo'y magpapatibay ay siya pang mag-uudyok sa inyo upang ibaon na lamang sa limot ang mga magagandang pangyayari. Pangyayaring hanggang alaala na lamang. Ganyan ang pinagdaanan ni Patrick sa kanyang ex. Luckily, ang pangyayaring iyon ang naging dahilan upang mas maging matured at pursigido siya sa buhay. Masasabing nakamove-on na sya nang tuluyan sa kanyang ex. At doon nya makikilala si Sean na kasalukuyang nasa kalagitnaan nang pagkalumbay at galit buhat nang pagtataksil nang kanyang "supposed to be fiance". Paano magkukrus ang landas nang dalawang taong parehas na niloko ng pag-ibig? Paano nila matutulungan ang isat-isa upang muling makapagsimula? Handa kaya ang puso nila na tahakin ang daan para sa isa't-isa?