"Lolaa!"- tawag ng isang walong taong batang babae sa kanyang lola.
"Oh, anong kailangan ng napakaganda kong apo?"- tanong ng kaniyang lola at kinarga ito papuntang upuan na nasa sala.
"Kwentuhan niyo po ako La."-wika ng bata sa kanyang lola.
"Oh sige, Once in the land of chewandswallow th-"-hndi natapos ng lola ang kaniyang sasabihin ng biglang nagsalita ang kaniyang apo.
"Lola, galing naman yan sa book eh.Gusto ko po yung mga story nyo... Sige na po La. Prreeettyyyyy Plleeaaasseee"- pilit ng kaniyang apo.
Ipinagsiklop pa niya ang kanyang dalawang palad malapit sa kaniyang dibdib na wari'y nagmamaka awa.
Natawa nalamang ang ginang sa pinaggagawa ng kaniyang apo kaya napilit siyang kwentuhan ito.
"Oh sige na sige na bukas nalang. Matulog kana apo,gabi na. Amanda, patulugin mo na itong apo ko.. Hndi raw siya matutulog oh"
"Hey baby, matulog ka na dahil sleepy narin si Lola. Pumunta tayo dito sa bahay ng lola mo para alagaan siya, hndi para kwentuhan ka magdamag"- sermon ng kaniyang ina sa kaniya.
"Oo nga, meron pa namang Mumu dito, diba Ma?"-sabi naman ng kaniyang ama sa kaniyang Lola
"Meron La?? Merong Mumu dito??"-tanong niya na bakas ang takot sa mukha
Tumango nalamang ang ginang sa kanya.
"Hala Mama, may mumu daw dito.Tara matulog na tayo."-siya at dali daling ngtungo sa kaniyang silid na sinundan naman ito ng kaniyang mga magulang..
"Ang batang iyon talaga"-wika ng ginang s akaniyang sarili at pumanhik narin sa akaiyang silid.
KINABUKASAN, nagtungo ang kaniyang mga magulang sa palengke upang bumili ng pagkain kaya naiwan siya at ang lola niya sa bahay.
Wala siyng kalaro doon dahil ang medyo malayo ang bahay ng kanilang mga kapitbahay kaya hindi siya makakapunta roon.
Kaya pumunta nalang siya sa likod bahay upang alagaan ang mga bulaklak na tinanim sa hardin ng kaniyang lola.
Ang lola naman niya ay nasa loob ng bahay. Wiling wili siya sa pag didilig ...