Napakalungkot lagi ng dating ng ulan satin. Ang pakiramdam ng lamig at patak ng ulan ay tila nagpapaalalang malungkot ang langit. Pakiramdam natin nag iisa tayo at para bang pinipiga ang puso natin sa kalungkutan. Pero nag iba ang ganung pakiramdam ko. Nang minsang umulan at nakilala ko si Jonas.