"Brian Christian Harvard? 'Yong parang Harvard University na sikat?" Napabasa ako sa pangalan niya ng may kalakasan. "Yes, why? Do you have a problem with that?" Isang hindi inaasahang malamig na boses ang sumagot sa'kin. Ang lalaking kanina pa namin pinagmamasdan ni Jadey ay nasa harapan ko na pala ngayon at titig na titig sa'kin. Sa katunayan hindi lang siya ang nakatingin sa'kin. Lahat sila ay nakatitig sa'kin. Patay! Pa'no na'to? Bakit ba kasi ang tanga-tanga mo Arya Savier! . . . . . Unang beses ng kanilang pagkikita mukha nang ininsulto ni Arya si Brian. Sa pangalawang pagkikita ay nagmukha siyang stalker ng lalake. May mas ikalalala pa ba sa pagtingin sa kaniya ng lalake? Si Arya ay isang tipo ng babaeng walang interes sa mga lalake. Pero simula nung nakilala niya ang lalakeng may ID na nakasabit sa likuran, nagbago na ang lahat para sa kaniya. Si Brian naman ay parang isang Prince charming sa labas ng isang storybook . Ngunit hindi tulad ng Prince charming, hindi perpekto ang kaniyang buhay. Lalong-lalo na ang kaniyang love life. Sa laro ng pag-ibig kung saan ang mga tao ay nahihirapang mahanap ang kanilang Other Half. Magwawagi kaya ang dalawa? . . . . . Hi! Magistawindcharmer here! You might think it weird to translate a completed story to another language. But itong filipino edition ng storya ng dalawang unang characters ko ay hindi lang isang translation. I wanted to give a different feel to the story. At gusto kong buhayin ang storya nila Arya at Brian sa mga filipino readers here in wattpad. May mga ilang bonus scenes din at changes at addition sa dialogues. Kaya para sa mga pinoy diyan na nakabasa ng eng. Version wag kayo magalala :) Don't hesitate to tell me what you think :)
52 parts