"Love at first sight?" Duh! Walang ganun no. Ano yun biglang nagkahugis puso agad ang mga mata na sinabayan pa ng pagdagundong ng puso sa pagkakita palang sa kanya? O di naman kaya ay naging slow motion agad ang paligid ng dumaan siya sa harap mo tapos nasabi mo "eto na, eto na talagang para sa akin, pang forever ko na talaga to". Just eww nakakasuka lang no. "Hate at first sight?" Syempre mas posible pa itong mangyari kaysa sa love love na yan. Kasi nga diba may kasabihan lalo na sa mag-aaply ng trabaho na it will just take 7 seconds to analyze a person whether possible siyang mahired or not. Mababasa mo kasi agad ang personality ng tao sa paraan na kung paano niya dinadala ang sarili niya. "Love after sex?" Ay! Potek! Ano ba tong linyang to? So love after sex. Diyos ko naman lord. Nag-eexist ba talaga yan? Naghubad lang at nakipagchukchakan nagkaroon agad ng love after? Meghad lang po. Yung iba nga na sinabihan pa ng sandamakmak na love quotes at pick up lines mula kay google na sobrang makapagheart heart kay girl ay iniwan din ni lalaki after kasi yung habol lang pala ay tawag ng laman yun pa kayang mas nauna ang tawag ng laman at panandilian lang na kasiyahan? "Love at first kiss?" Nuh! Isang malaking imposible. Kasi nga diba may mga incident na bata palang may nahalikan na accidentally? Don't tell me naalala pa nila yun? Tapos biglang narealize na "O Em! Mahal ko na yata siya." Grabe lang talaga. Yun ngang sex walang napala eh yun kayang kiss lang. At kung nagtataka kayo kung bakit ganun ang mga sagot ko, wala lang bunga nga ng idea ko diba? "Paano kung hinalikan ka lang nainlove ka na?" Gaya ng sagot ko, imposible yan. Hindi yan mangyayari. Walang sinuman ang magtatangkang gawin yan dahil ito lang masasabi ko, "Kiss me and I'll Hate you."All Rights Reserved