Matagal nang naitanong ni Ren sa kanyang sarili kung bakit hindi siya crush ng crush niya. Four years na niyang crush ang bestfriend na si Carlos at ni minsan, hindi niya binaling ang tingin sa ibang lalaki. Ganoon siya ka-loyal rito. Kaya lang, hindi man lang ito nagpakita ng interes sa kanya. Oo, friendzoned na siya kahit hindi pa siya umaamin. Okay na siya rito pero hindi niya alam kung makakaya ng puso niyang kilalanin ang taong bumihag sa puso ng sinta niya. Napakanta na lamang siya ng, "If I were a boy" sa gulat.