
Maswerte ang makahanap ka ng taong nakakasundo mo sa lahat ng bagay. 'Yung siya ang totoong nakauunawa sa'yo, hindi kinakailangan ng maraming salita, at naiintindihan niyo ang bawat isa sa lebel na hindi abot ng ibang tao. Siya yung nakakakilala sa'yo mula sa magaganda hanggang sa hindi kagandahang aspeto ng iyong pagkatao. Ngunit sa pagitan ng mga nasanay lamang sa inosenteng pagkakaibigan, simulang may mabuong pag-ibig at mahulog sa isa sa inyong dalawa ay magkakaroon na ng mga malalaking pagbabago na hindi mo inaasahan. Lalamunin ka nitong parang dilim sa pagsapit ng gabi, ibabaon ka sa mga katanungan at paglalaruan ang iyong damdamin palibhasa ni minsan hindi naman ito pumasok sa isip mo noon; Tila isang ligaw na pintor na sa pamamagitan ng mga dibuho ay patuloy niyang hinahanap ang kanyang sarili. Sa kadilimang iyon, gayunpaman, lamang mabubuo ang uri ng damdamin na idinudulot sa isang tao kapag nagkalat ang libu-libong mga bituin sa langit. Ilan ito sa mga kagandahan na hindi mo naman kailanman masusumpungan sa liwanag. Ako si Patricia at ito ang kwento ko at ng aking matalik na kaibigan.All Rights Reserved