TOTAT: The One That's Always There
10 capítulos Em andamento Labing-anim na taon na ang lumipas, hindi ko parin alam anong tawag sa kung anong meron sa aming dalawa.
I can't even say we're friends. Kaibigan siya ng kaibigan ko. Kakilala? Kapit-bahay? Dating schoolmates?
The list goes on but inside my head, there's something more between us than being simply acquainted.
Special connection? Every after four years kasi, may nangyayaring importante sa buhay kong konektado sa kanya. Pure coincidence? Maybe. Baka nagkataon lang talaga at hindi gawa ng tadhana.
2010, 2014, 2018, 2022. . . tapos ngayong 2026. Bakit lumilitaw siya sa mundo ko kada apat na taon? May schedule ba siyang sinusunod? Destiny ba o free will? Like desisyon niya talagang magtago at magpakita sa'kin kung kailan niya gusto?
No matter what it's called, there's one thing that's constant every time I see him. My feelings. Pakiramdam na hindi ko maipaliwanag hanggang ngayon. Emosyon na hindi ko mapangalanan.
Kung kailan nagsimula, 'di ko na tanda. Literal na nakatitig lang ako sa kanya isang araw tapos napagtanto ko nalang na parang may nag-iba.
I know it's not love-or is it? Attraction lang ba? Harmless crush? Ewan. Basta kapag nakikita ko siya, my feelings get swayed. Some unknown force tugs my heartstrings. I always find myself being pulled towards him.
Nang muli kaming nagkita sa taong ito, parang biglang gusto kong alamin kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. Gusto kong pangalanan. I-explore. Bigyan ng chance na mag-flourish.
Seeing him again made me wonder na Oo nga, bakit hindi nalang kaming dalawa?
***