Nagawa o naramdaman mo na ba ang.....
- Mapa-"What do you mean" sa pagbabasa ng Bible? (may tono 'yon ah, yung kanta ni JB)
- Tamarin magdevotion?
- Matagal nang hindi binuksan ang Bible - to the point na nahatsing ka na sa alikabok nito?
- Ma-guilty? Dahil gusto mong magdevotion pero hindi mo alam kung paano mag-start, kaya hindi mo na lang ginawa.
- Kagustuhang mas magkaroon ng better understanding sa Word ni God?
Edi para sa'yo pala 'tong libro na 'to! Lahat naman tayo gusto mapalapit kay Lord, 'di ba? Pero tanggapin na natin ang fact na kahit sino - kakarinig pa lang kay Jesus, kakatanggap pa lang sa Kanya or matagal nang believer, ay nagsa-struggle pa rin "to keep the fire burning" sa puso nila.
Taralets na mga bes, iniimbitahan ka na ni Lord na basahin 'to! Let us unravel together the WAYS TO HAVE AN EFFECTIVE DEVOTION! <3
Hindi lang 'to parasa mga Kristiyano bes :) Kung ano man ang religion mo, welcome kang basahin 'to! ^-^
-----
Date and time written: May 27, 2017, 7:30 pm
Date and time finished: May 28, 2017, 3:15 am
Cover credits to: jannakimm
[Remembrance lang, hihi]
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa mas lalo pang ika-uunlad ng iyong pagkatao."
Halina't iyong tuklasin sa librong ito kung paano maisapamuhay ang mga aral na itinuturo sa atin ng Diyos, na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon nananatili kang buhay at malakas at binigyan pa ng pagkakataon upang maranasan ang magandang Plano para sa iyong buhay at maayos na kinabukasan.
Dalangin ko na sa tulong ng devotional na ito ay mas lalo mong makilala ang Diyos at mas lumalim sa kanyang presensya at patuloy na lumago sa buhay kristiano.
Sa Diyos ang mataas na Papuri, Karangalan at Pasasalamat sa pangalan ni Jesus...