HIRAYA
"Iniaalay sa pagkamahal-mahal;
Susuungin ang matinik na dawagan
Sisisirin, pusod ng kailaliman,
Liliparin, kalangitang walang hanggan."
Ganito kung ilarawan ni Isagani ang kayang gawin alang-alang sa kanyang pag-ibig para kay Miring. Hindi niya alintana na ang pagmamahal niyang ito ang maghahatid sa kanya sa ibang mga mundo - sa daigdig ng hiwaga, misteryo at kababalaghan. Sa daigdig ng mga anito, mga engkanto at mga diwata.