Tuloy pa ba O Tama na? Masakit man para sa akin na nakalimutan mo na ako Masaya naman ako dahil nakahanap ka ng taong magpapasaya sayo Madaling sabihin na nakalimutan na kita pero hinding hindi ko makakalimutan yung mga ala-ala na ginawa natin ng magkasama Sabi ko wala na akong nararamdaman sayo, pero bakit ganito? Tuwing makikita kita isip ko'y tuluyang nagpapakatanga, puso ko'y tuluyong nagmamahal pa. Lagi kong pinapangarap na makasama ka muli, na babalik tayo sa dati, pero habang tumatagal itong pagbabakasakali parang ang labo na ulit mangyari Siguro hanggang dito na lang talaga, siguro namimiss ko lang yung pakiramdam ng maging masaya ulit sa piling mo sinta Tama na siguro ang pagpapakatanga Pagod na akong intindihin ka Mahal na mahal kita pero tama na.All Rights Reserved