It was summer when we first met. Nagkakilala kami sa hindi inaasahan. Sa hindi nararapat na oras. --- Azarhiya Montevilla. Ang tingin ko sa sarili ko noon ay walang kwenta, walang silbi, walang alam. Pero simula ng nakilala ko siya nahanap ko na ang dahilan para patunayan sa ibang tao na hindi ako katulad ng alam nila. Pinatunayan ko sa sarili ko na hindi ako ganoon. At yun ay dahil sa kaniya. Siya na walang alam kung gaano ko siya tinitingala, kung paano ko siya pinagmamasdan sa malayo, kung pano ako kumuha ng lakas sa kaniya sa oras na alam kong wala na. Alam ko ang lahat ng yun. Pero siya? Wala siyang kaalam-alam. "Ang hirap niyang abutin." Iyan ang unang pumasok sa isip ko simula ng mapagtanto ko kung ano na siya saakin. "Masaya na ko kahit paistalk-stalk lang ako sa facebook account niya. Sapat na yun para sakin." Bawat segundong nagdadaan yan lang ang nasa isip ko. -- "Sana siya na lang ako." Bulong ko sa sarili. --- Started: May 30, 2017