MY SEVEN DAYS LOVE STORY O! Mga utak niyo! Di yan basta basta seven days lang nagmahalan kami! Oo seven days lang pero hindi katulad ng iba na trip trip lang pustahan lang ganun, hindi ganun ang love story ko. Dahil sa unang araw pa lang ng pagkikita namin feeling ko siya na mga beshie! Iba kasi e, alam mo yung feeling na sa dinami dami ng tao sa classroom siya agad una kong nakita, yung slow motion yung bawat sandali tapos siya nakatingin sa 'kin, yung tilong ako talaga yung hinihintay niya na tabihan siya, tapos yung mga puso namin pareho yung tibok, yung tipong nagmahalan kami sa past life namin ( o lakas maka k-drama!) pero ganun e, ganun yung naramdaman ko sa unang araw ng pagkikita namin.