"𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪. 𝘐𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘶𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵, 𝘪𝘯𝘪𝘪𝘯𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯."
-----
Ito ang kwento ng isang babaeng sanay na sa "seen zone," sa mabilisang pag-ibig, at sa mga lalaking ang effort ay nagsisimula at nagtatapos sa "Kumain ka na ba? Kainin kita ;)".
Si Alyzza Villarica--isang modernong dalaga na halos sumuko na sa ideya ng pag-ibig. Para sa kanya, tila wala nang lalaking marunong pumukaw ng puso nang totoo.
Hanggang isang araw, may kumatok sa kanyang pintuan.
Walang tao.
Tanging isang sobre lang ang naroon.
Sa loob nito--isang liham. Sulat-kamay. Pormal. Malalim. Taos-puso.
Puno ng mga salitang tila hinugot mula sa baul ng nakaraan.
Mula sa isang lalaking nagpakilalang "Isang Mapagmasid na Kapitbahay" (Lorenzo).
Sa panahong lahat ay instant--instant coffee, instant reply, instant "I love you"--bakit pinili ni Lorenzo ang pinakamabagal na paraan ng panliligaw?
May tinatago ba siyang lihim?
O baka ito lang talaga ang paraan niyang ipaalala na ang pag-ibig ay hindi transaksyon, kundi sining--isang bagay na dapat pinaghihirapan, hindi minamadali.