Sa buhay ng tao,hindi mawawala ang salitang "love" diyan umiikot ang mundo ng isang tao. Kung wala kang love, wala kang pagmamahal sa sarili mo, maging sa mga taong nakapaligid sayo. Ang love ay mahalaga sa atin, isa ito sa kailangan nating gawin sa araw araw, ang love na nasa isip natin at nasa puso natin. Ang love ay isang mahalagang bagay na dapat nating ipadama sa ibang tao, sa mga kaibigan, mga kakilala, at maging sa pamilya. At magtatanong tayo kung minsan sa ating sarili, paanu kung masaktan lang tayo dahil sa love? kung manghina lamang tayo sa love? maraming katanungan, pero hindi natin maiiwasang masaktan sa love. Tulad na lamang ng isang halimbawa, kapag tayo ay nagmahal, magkaboyfriend/girlfriend man tayo. Ibat iba ang ating pamantayan sa pagpapadama at pagpapakita ng pagmamahal sa isang taong minamahal natin. Naranasan mo na bang umibig? naranasan mo na rin bang masaktan? umiiyak at mabigo?