Tatlong taon ko na siyang sinubaybayan ng palihim...
Tatlong taon ko ng tinatago tong nararamdaman ko...
Tatlong taon ko ng sinusubukan abutin siya ngunit parang siyang bituin na hindi maabot...
Tatlong taon ko ng sinusubukan sabihin sa kanya na mahal ko siya, na siya yung True Love ko...
Tatlong taon ko ng sinusubukuan yayain sa mga dates, lunch, movies, pero wala pa rin...
Tatlong taon niya na akong hindi pinapansin...
Tatlong taon ko ng iniintindi ang ugali niya...
Tatlong taon na akong nagmukhang tanga...
Tatlong taon na ang nakalipas mahal ko pa rin siya...
Tatlong taon na ang nakalipas nung huli ko siyang makita...
At isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkita muli kami...
Yung tatlong taon na yun... tama na... napapagod rin yung tao. Hindi ko na kaya. It pains me seeing him with another girl. It pains me seeing him happy with another girl. Sino ba sa amin yung naghahabol? Ako, di ba? It's because I want him and he's the only one for me. But now? Pagkatapos niyang sampalin sa akin ang katotohanan ay natauhan ako. I think it's enough. Kahit na mahal ko siya kailangan ko na siyang bitawan. Tama na. Masakit na. Sobra na. Ayoko na. Hindi na kita kukulitin pa, Kai Montelo. I'll stop. I'll set you free now. For me. For him. For his girl
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.