Kapag ikaw pinaglaruan ni tadhana, siguradong mawiwindang ka. Hindi mo alam kung ano ba talagang plano niya. Basta ikaw, mapapasunod ka na lang sa kanya. Kagaya ng nangyari sakin. Hindi ko alam na ilang beses ko na pala siyang nakita. Hindi ko alam na ilang beses ko na pala siyang paulit-ulit nakilala. Hindi ko alam na kilala ko na pala siya. Hindi ko alam na siya pala ang matagal ko nang hinahanap na kababata. Hindi ko alam na muli pa kaming magkikita. Hindi ko alam na lahat ng ito, mawawala sa aking alaala. Sa tingin niyo, maya pag-asa pa kayang maibalik... Ang alaalang matagal nang nawala?
38 parts