The Demon General's Young Wife
106 parts Complete Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat ang ikakasal dito, kundi ang nag-iisang anak na babae ng isang mayamang pamilya kung saan namamasukan ang kanyang ina. Isang magulong istorya, basta ang alam niya, nagising na lamang siyang kasal na sa lalaking hindi naman niya kilala. Ang tanging alam niya lamang ay mataas ang katayuan nito sa buhay at isang Heneral na siyang protector ng nag-iisang anak ng first family ng bansa. Ayun pa sa mga naririnig niya, isa itong malupit, istrikto, at may nakakatakot na awra. Subalit sa kabila ng takot na kanyang nadarama, hinihintay niya parin ang araw na sa wakas ay makita ito at makilala.