"Kailan pa naging kontrabida ang bida?" nakangising wika ng babaeng kaharap ko ngayon. Ngumiti ako ng napakatamis, "kailan pa, edi noong sinilang ka sa mundo. Gosh, kaloka." Mukha namang tumalab ang pang-iinis ko sa impakta dahil kumunot ang noon nito na tila magbu-buhol na kasama ang kilay nito. Magsasalita pa sana ito ng pigilan ko ito. "Opp-tama na, Yna, may nanalo na. Ginalingan eh." Nakangising tinalikuran ko s'ya at binitbit ang paper bags ng boss ko. Naks, naka-wan point na naman ako kay Yna Gutierez!All Rights Reserved
1 part