Dalawang kwento ng mga pusong nagmamahal. Dalawang bida na nagmula sa magkaibang kwento. Mga bidang nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Tinadhana nga ba sila para masaktan o maling tao lang ang patuloy nilang minamahal? Paano kung magtagpo ang kanilang landas? Masasaktan parin kaya sila sa piling ng isa't isa at pilit din silang paglalayuin ng tadhana dahil hindi tama?