Maganda, matalino, athletic at competitive - iyan si Gabriela Dizon. Para sa kanya, ang buhay ay isang kompetisyon: may panalo at may talunan. Ang buhay aniya ay isang karera at kailangan niya laging mauna. Sa pagpasok niya sa West Abbey High School, mahahanap niya ang kanyang katapat. Ang lalaking hindi natatalo. Ang lalaking animo'y perpekto na siyang magpaparamdam sa kaniya kung paano maging pangalawa at maging talunan. Ngunit wala sa bokabularyo ni Gabriela ang 'pagkatalo' at 'pagsuko' kahit pa ang kanyang karibal ay si Kurt Valiente - ang perfect prince ng West Abbey High School. Mula nang lumipat siya sa eskwelahan ng kanyang kuya, hindi niya tinigilan si Kurt. Nakipagkompetensiya siya sa academics, sports pati na rin sa student council. Isa lang ang nasa isip niya - ang talunin si Kurt Valiente. Ngunit paano kung ang kompetisyon ay naging mitsa ng kanyang pagbagsak? Paano kung hindi lamang siya matalo sa eskwelahan kundi pati sa larangan ng pag-ibig? Nasa rule ba ang ma-inlove sa kakompetensiya?