Noong gabing tinapos ko ang lahat sa atin Saksi ang kalawakan, Kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko palayo sayo. Noong gabing yon mailap ang mga tala Na para bang nanadya na kung anong dilim ng kalangitan,siya ring dilim ng aking kalooban At sumabay pa ang mga ala-alang nagbalik sa aking isipan. Sinubukan kong maglaro sa ulan at umaasang kayang hugasan ang sakit at tangayin at kung saan. Ngunit hindi dahil ako ang pinaglaruan ang Ulan. Ako ang pinagtaksilan ng kalawakan. Taksil ang kalawakan. Sinubukan kong tumakbo kase tulad ng pag-ikot ng mundo. Nagbabakasakaling kaya ko pang habulin ang kahapon Noong sabay pa nating pinapakingan ang ritmo ng paborito nating awit. Noong sabay patayong maligaw sa magulo nating paligid. Makakaya ko pa kayang ibalik ang oras, minuto at bawat segundo? Makaya ko pa kaya? Makakaya pa natin. At kung hindi na talaga kaya pang bumalik Maaari bang ulitin natin? Ang ikaw at ako? Ang dating TAYO.