"Gaano ba kahirap ang mag-move on?"
Mahirap. Mahirap na mahirap. Dahil wala namang madali sa buhay. Lahat ay kailangan mong paghirapan para sa huli ginhawa'y maramdaman. Nahihirapan kang mag-move on dahil nag-mahal ka ng totoo. Normal lang yan. Pero laging tatandaan na walang deadline ang pagmo-move on. Just take your time. Wala namang humahabol sayong kabayo para mag-madali ka. Trust me, lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon? Kapag naka-move on ka na, mawawala lahat ng yan at mare-realize mo na Worth It naman lahat ng paghihirap mo. Love yourself first. Kung hindi ka na mahal ng taong mahal mo, Edi ikaw mismo magmahal sa sarili mo. Lunodin mo sa pagmamahal yang sarili mong napabayaan mo simula nung nakilala mo siya. Choice mo naman yan, Girl. Kung pipiliin mong umiyak at magdrama dyan o maging masaya ka nang wala siya sa buhay mo. Life is too short. So bakit mo pagaaksayahan yung taong minsan nang dinurog yang puso mo?