Lalake? Kaylangan pa ba nun sa buhay mo para sabihing kumpleto ka? Ako,hindi ko na kaylangan yun kung alam ko rin namang sa huli,iiwan at sasaktan ka lang nya. Na kahit minahal mo sya ng sobra, Makukuha ka parin nyang lokohin at saktan ka. At sa huli, Magsisisi ka ng kung sino pa yung taong minahal mo pa ng sobra ay yung dapat na 'minumura-mura' mo lang. Kaya para sakin "mas mamahalin ko nalang ang sarili ko" kesa masaktan lang ng dahil sa iba. Pero hanggang kailan ko nga ba masasabi at mapapaalala sa sarili ko na wag na muling magmahal sa isang lalakeng sakit lang ang maidudulot saakin. Hanggang kailan ko ito mapipigilan. Hanggang kailan nga ba? Kung si Kupido na ang umeksena, Mapipigilan pa ba?
10 parts