"Ang aga mo ata?" Halos muntik na akong mawalan ng balanse sa biglaang boses na walang pasintabing nagsalita, binasag ang nakakabinging atmosperang handog ng gabi. "Ginulat mo ako, Cynthia!" Gulat na ekepresyon ang ibinungad ko sa kausap. Mas lalo lamang dumoble ang kaba ko nang makitang naglakbay ang mga mata niya magmula sa panyapak ko hanggang sa aking mga mata. Huli nitong nasulyapan ang maletang bitbit ko. Napabuntong hininga siya't nagtungo sa akin. "Samahan na kitang mag-ayos sa kusina. Ang aga mo naman para magluto para sa umagahan natin.." Galak ang boses niyang sinalita ang mga sinabi ngunit tila may pilit na binubulong ang mga mata.. Kusina? May hawak akong maleta, mukha ba akong pupuntang kusina sa ganitong lagay? "Anong kusina ang sinasabi mo-" Hindi pa nangangalahati ay agad niyang tinakpan ang bibig ko upang hindi matuldokan ang nais sabihin. Iminuwresta niya ang banyo sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa mga palihim niyang mensahe. Nang napansin niyang hindi ko nakukuha ang kaniyang mga pinaggagawa ay padarag niya akong hinila patungong banyo. Ang mas nakakapagtaka pa ay sa banyo ng kaniyang k'warto niya ako dinala. Nang ang tanging nakapalibot na lang sa paligid ay ang apat na pader ng banyo ay inilapit niya ang kaniyang labi sa aking tainga, kilos na nagpapatunay ng kanaisan niyang makipagusap ng tahimik. "Ate, nakikinig sila.. Bawat galaw natin ay tinututukan nila. Sa tingin ko'y maliban sa banyo ko ay may mga tainga nang naghahari sa bawat sulok ng bahay na ito."All Rights Reserved
1 part