Noong ako'y bata pa, ayokong matulog ng mag-isa. Labis ang aking pangamba na baka makakita ng multo sa aking kama. Takot na imulat ang aking mga mata, dahil sa labis na pagkabalisa. Ngayong ako'y matanda na, mag-isa akong muli sa aking kama. Mas nakakatakot pala ang dalawin ng alaala, na puno ng sakit at pagdurusa. Hanggang ngayon, sariwa pa sa aking memorya.
More details