"Tangina, trabaho na naman." Katagang palagi mo nalang nasasambit tuwing pag dilat ng mga mata mong nanlalaban pa ng antok sa umaga. Mga panahong napapatanong ka sa sarili mo kung ano ang pwede mong irason pag umabsent ka pero mauuwi lang din sa babangon kana at kikilos dahil doble pa ang bawas sa sahod mong kay hirap tipirin na tipong ultimo bigas ang hirap pang budgetin. Maiiyak ka nalang kapag araw na ng bayarin. Mapapatanong ka nalang sa sarili mo, pucha worth it ba tong paghihirap ko kung dati lang nakahilata ako sa kama at naghihintay ng palamon ni mama? Pero saka mo lang din naisip at narealize na putangina nagpapasalamat pa rin ako sa paghihirap kong 'to dahil marami akong natutunan at nakabili na rin ako ng bahag mula sa sarili kong bulsa. Pucha. At hindi mo namamalayang nakarating ka na ng Opisina.