Hanggang ngayon ako'y umaasa na mamahalin mo rin ako. Matagal na iyon ngunit andito parin ako naghihintay sayo. Hindi ko pinagsisisihan ang ginagawa ko, alam kong isang araw magkakatotoo ito. Tanga na kung tanga. Wala akong paki basta ito lang ang alam ko. Kahit alam kong isa lang ako sa mga babae mo. Tinanggap ko ito ng buo sa aking puso. Inlove ako sa Isang tao. Inlove ako sa Isang bolero. Inlove ako sa Hindi nagseseryoso. Inlove ako sa pagiging Playboy ang trabaho.