Masarap sa pakiramdam kapag may taong naghahabol sayo di ba?
Yung taong nagpapakatanga sayo.
Yung taong pilit na nariyan sa tabi mo sa kabila ng pagtataboy mo sa kanya.
Yung taong nananatili pa ring nakangiti sayo kahit na ilang masasakit pa na salita ang sabihin mo sa kanya.
Yung taong kayang ibuwis yung sarili niyang kaligayahan para sa kapakanan mo.
Pero paano kung ang taong yun ay mawala sayo? Mawawala siya para sayo at babalik muli ng wala ng alam sa nakaraan niyo.
Anung gagawin mo sa bagong pagkatao niya? Anung magagawa mo upang manumbalik ang pagmamahal niya?