Feeling ni rence, mag isa na lang siya sa buhay simula nung umalis ang ate niya para magtrabaho sa ibang bansa; dahil wala na siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman patungkol sa kanyang tunay na kasarian at pagmamahal sa bestfriend niyang umalis para mag aral sa Amerika kaya naman, sa isang notebook niya sinulat ang lahat. Umasa siya na babalik ito at naghintay ng matagal ngunit nawalan na siya ng pag asa. Nakilala niya si rockie: kaibigan, katrabaho at kalaunan ay naging parte ng kanyang buhay at pagkatao. Nalaman ito ng kanyang ama dahilan para itakwil siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumalik si Ardee na siyang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.