Love has a perfect timing. Kailangan mo ng sapat na oras at pagkakataon para mahulog ang loob mo sa isang tao. Kailangan mo ng sapat na pagmamahal at tiwala sa isang tao upang masabi mo na nahulog na ang loob mo sa kanya. Isa si Chloe sa mga babaeng naniniwala na ang pagmamahal ay darating sa tamang panahon. Isa siyang anak-mayaman at pinagpala sa kagandahan. Kahit na maraming nanliligaw sa kanya, hindi niya ito sineseryoso. Lagi niya lang itong niloloko at pinaglalaruan. Ngunit, kahit ganito ang kanyang pinaniniwalaan, hindi pa rin siya makakatakas sa laro ng tadhana. Isang malaking pagsubok ang binigay sa kanya, kung saan matatansya ang paninindigan niya sa pag-ibig. Dahil, ang pag-ibig ay hindi minamadali. Paano na lamang kung mahulog ang loob niya sa isang lalaki ngunit sa maling pagkakataon? Ipaglalaban niya pa ba ang kanyang pinaninindigan na "Love has a perfect timing"?All Rights Reserved
1 part