Started: 15 Jan 2006
Ended: 05 Apr 2006
Si Janessa...
Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mestiza din, kaya ahyan, kung sinu-sino ang nagagayuma.. Atsaka, talented at matalino.. Di yata natulog nung nagpaulan ang Dyos ng biyaya.. Kinarir na lahat eh!
-- Joshua
Si Joshua...
Pasaway.. Mahangin.. at sandamakmak ng yabang!!! Ang sole attractive trait nya lang eh magaling maggitara at kumanta.. Okay! Nabiyayaan rin ng good looks ang mokong.. Lord talaga.. Kung hindi vaklush ung papable, may mental defects naman.. Haaaayyyy...
~ Janessa
Ito ay isa sa mga usual love stories na nababasa, na-wwitness, at syempre, na-eexperience ng kahit sino.. May isang papable at ang kanyang object ng pang-aasar -- este romance pala.. May mga mini-extra at mga saling-tigre.. At mawawala ba naman ang mga paliku-likong kalye sa buhay nila?
Pero kahit anong mangyari... wala lang..
magustuhan nyo pa rin sana!
Blurb
"Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!"
"How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!"
Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni Apollo.
'Gosh! Totoo ba ito ni-reject niya si Apollo.'
'Ang lakas naman ng loob ng baklang 'yan.'
Naiyukom ni Wax ang kamao matapos marinig ang bulungan ng mga kaklase.
"Ano bang gusto mo bibilhim ko?"
"Ayaw mo ng bulaklak at chocolates anong gusto mo?" may ngiti na tanong ni Apollo na mas kinausok ng ilong ni Wax.
Hindi niya alam kung anong sumapi sa binata pero hindi nito nagugustuhan ang nagagawang atensyon ng lalaki.
Sa tyura pa lang ng nagngangalan na Apollo Grimore imposible na magkagusto ito sa kanya at seryoso ito sa panliligaw.
Isa lang naman siyang simpleng lalaki. Isang commoner na hindi mo tatankain na dalawang beses na tingnan pagnadadaanan. Chubby, medyo maitim, may pango na ilong at kulang sa height.
Ikukumpara sa isang Apollo Grimore na kahit sinong tao iikot ang ulo 360 degrees dahil hindi mo maalis ang tingin sa gwapo nitong mukha.
Hindi din ang tipo ng lalaki ang magi-sway dahil lang sa kanya.
Ilang months na iyon ginagawa ni Apollo at lahat na ng pambubully ng mga ka-schoolmates niya naranasan niya na dahil sa llalaki.
Isama mo pa na siya na ang nagsasawang sigawan at paulit-ulit na sinasabi na ayaw niya sa lalaki.
"Tinatanong mo kung anong gusto ko?"
"Fine, maghubad ka ngayon at maglakad sa buong campus na walang damit," ani ni Wax matapos mag-cross arm at kunot ang noo na sambit kay Apollo.