Ang pag-ibig ay parang musika. Magkakaiba ng tunog, himig, liriko, at mensahe. Magkakaiba ng singer, composer, at magkakaiba rin ng music instruments na ginagamit. Ganoon din ang pag-ibig. May masakit, may masaya, at may mapaglaro. May one-sided love, two timer o minsan ay higit pa sa dalawa. May friendzoned, may hiwalayang walang closure, at may mala-'mahal ako o mahal ko' ang peg. At ang bawat pag-ibig na 'to ay may katumbas na kanta.
Ang librong ito ay naglalaman ng iba't ibang kuwento na hango sa mensahe at liriko ng iba't ibang awitin. Kuwento ng mga taong nais na lang idaan sa kanta ang nararamdaman.
Ikaw, anong kanta ang nababagay sa love life mo?
***
Most Impressive Rank: #1 in #twotimer (04/22/2020)
"Hindi hinihingi ang pag-ibig. Kusang ibinibigay 'yon ng puso."
Hindi makapaniwala si Adam na isa siya sa mga "the chosen one" nang magpakita sa kanya isang gabi ang "hidden spring" na tumutupad daw sa mga kahilingan ng isang tao. Hindi na siya nagsayang ng pagkakataon at humiling sa mahiwagang bukal.
"I don't want Jared to be happy. Sana hindi sila magkabalikan ni Kris. I wish to win against Jared in all aspects of our lives - career, love life, family and friends..."
Nagulat si Adam kinabukasan nang paggising ay hindi na siya si Adam. Siya na si Jared, ang kinaiinisan niyang half-brother. Ano ang nangyari? Bakit sila nagkapalit ng katawan - o kaluluwa - ni Jared? Paano na ang plano niyang paghihiganti?
At paano na si Kris, ang babaeng matagal na niyang gusto kung nasa katawan siya ngayon ng lalaking nang-iwan dito noon?
"This isn't what I've wished for!"
NOTE: This book is included in the special collaboration series titled "Hidden Desire" with Luna King, Lara Dyn Grey & Honey Villa.