Tatanggapin ko na lang na ang salitang "tayo" ay hindi mabubuo ng "ikaw at ako" Dahil malinaw na mayroong "siya at ikaw" na bumubuo ng salitang "kayo" At ang meron lang sa "atin" ay "hindi itinadhana pero pinagtagpo" Nabiktima lang ako ng buhay pag-ibig sapagkat ito'y mapaglaro. Darating din yung panahon na Gigising ako sa umaga at hindi na ikaw yung taong inaalala Darating din yung panahon na Masasabi ko na sa sarili kong masaya na ako kahit wala ka. Darating din yung panahon kung kailan Matatagpuan ko na yung taong magpapasaya, magmamahal at ituturing akong prinsesa. Darating din yung panahon kung kailan Masasabi ko na sa taong karapat-dapat ang salitang "Mahal kita" Kaso mapaglaro talaga si tadhana Ang isang cassandra Chavez nga ba At Ang isang kyle Mendez... Ay magkatuluyan Sa Huli?!