40 capítulos Concluída MaduroMatapos ang madugong labanan sa Sta. Clara, inakala ng lahat na tuluyan nang bumagsak ang dinastiyang Monteverde. Ngunit ang kanilang anino ay patuloy na lumalawak. Sa likod ng mga guho ng nakaraan, isang bagong banta ang bumabangon-mas tuso, mas mapanganib, at mas handang gawin ang lahat upang makuha ang kapangyarihang itinadhanang sa kanila.
Si Amara Victoria Isabella De Castillo, kasama sina Juan Erick at Beatriz María Montemayor, ay humaharap sa isang laban na hindi lang tungkol sa paghihiganti-kundi sa kanilang sariling kaligtasan. Sa bawat hakbang, natutuklasan nila ang masalimuot na lihim ng Monteverde, isang katotohanang maaaring magpabago sa kasaysayan.
Sa kabilang panig, si Quiana Valeria Monteverde ay hindi pa tapos. Sa kanyang panunumpang ibalik ang kadakilaan ng kanilang angkan, sisiguraduhin niyang ang dugo ng kanyang mga kaaway ay magiging pundasyon ng kanyang bagong imperyo.
Sa gitna ng mga pagsasabwatan, trahedya, at mga matinding sagupaan, sino ang tunay na itinadhanang magtagumpay? At sino ang kailangang magbuwis ng buhay upang matapos ang digmaan?