noong bata pa ako, nasabi sa akin ng mga magulang ko ang tungkol sa mga anghel na inihulog mula sa kalangitan. ito daw ay mga makasalanang anghel.. mga traydor.. masasama.. at ang masasamang nilalang daw ay hinuhulog mula sa kalangitan. naisip ko.. may masasama pa lang mga anghel? naglalaro ako sa labas noon nang makakita ako ng ibon na Hindi na makalipad.. naisip ko nun, baka inihulog rin ito mula sa kalangitan.. pinakita ko ito sa sa aking mga magulang tsaka sila tinanong.. " itong ibon po mama at papa.. masama po ba sya kaya hinulog siya mula sa kalangitan?" tanong ko sa kanila. nagkatinginan sila at ngumiti sa akin. " anak.. Hindi lahat ng bagay na nakikita mong bumabagsak o bumagsak mula sa kalangitan ay masasama.. minsan, aksidente lang.. minsan tadhana talaga.. o kaya, sinadyang pabagsakin." sagot sa akin ni papa. tumango ako ngunit di pa rin maalis ang katanungan sa isipan. " may mga anghel din po ba na aksidente lang ding nahulog mula sa kalangitan papa?" tanong ko sa kanya. muli silang nagkatinginan ni mama. " anak.. may mga bagay na Hindi mo pa maintindihan sa ngayon pero.. gusto Kong malaman mo na.. may mga tao o nilalang.. na Hindi purket masama ang tingin sa kanila ng mga tao e, masama na sila.. Minsan, sila pa nga yung mababait.. At Hindi nila ginusto na masama ang maging tingin sa kanila ng mga tao." sagot ng aking ina. " kawawa naman po itong ibon.. siguro Hindi nya rin ginusto ang di na makalipad." umiyak ako at niyakap ang ibon. " Hindi ka naman bad diba? kahit nahulog ka mula sa kalangitan?" tanong ko sa ibon. tumawa sila papa at hinaplos ang aking ulo. " anak.. even though it's already a flightless bird.. it doesn't mean that it is bad." totoo nga kaya ang mga sinabi nila sa akin? ang mga huling salitang binitiwan nila sa akin bago sila patayin?All Rights Reserved