🔥Highest ranked achieved #62 in ROMANCE Totoo nga namang nag i-imbento lang si Jailyn na meron siyang boyfriend sa mismong university nila at nasa ibang building lamang ito. At ang lahat ng pag-iimbento niya ay tatapusin na ng mga bully niyang ka-klase. Pero hindi siya papayag, nilakasan niya ang loob niya, huminga ng malalim, ang unang lalaking lalabas mula sa loob ng room C ay.. "Ynigo Lee! Mahal ko!." Napapikit siya ng mariin ng sinigaw ang pangalan na nabasa lang niya sa maliit na name pin mula sa suit na suot ng unang binatang lumabas mula sa meeting room. Tumakbo siya papunta sa binata saka yumakap. Nagulat ang lahat ng gumanti ito ng yakap sa kaniya.