Buo na ang pasya ni Carnation.Ipaghihiganti niya ang kanyang best friend dahil sa pang-aapi rito ni Tristan Reyes, isa sa mga may-ari ng Blossom Flower Shop. Buhay pa siya kaya hindi niya kanyang patayin ito sa sindak. Pero kaya niyang patayin ito sa sama ng loob at iyon ang gagawin niya. At para maisagawa iyon, kailangan niyang magtrabaho sa Flower Shop ng mga ito. Everything was going smoothly according to plan until.... "Carnation, ano'ng shampoo mo? 'Bango ng hair mo." It was Terrence, isa sa mga Blossom. Sinisinghot nito nang walang pakundangan ang buhok niya. Wala man sa plano niya ang maturete, iyon ang nangyari. Paano siya makapaghihiganti kay Tristan kung laging naroon si Terrence at tila hinuhuli siya; inaamoy hindi lamang ang kanyang buhok kundi pati hidden agenda niya?