PROLOGUE Si Rebecca Demonise Palarma ay isang babaeng masayahin , makulit , isip bata pero sa likod ng kanyang masayahing imahe ay nagtatago ang malungkot na pagkatao na kahit sino ay hindi alam ngunit ang akalang walang kahit sinong makakaalam sa kanyang tinatago ay malalaman ng isang taong hindi niya inisip na makakaalam , Si Kieffer Clyde Mendoza ay lalaking magiging kapitbahay ni becca , ang lalaking kahit ngiti ay di magpamahagi , tahimik at masungit . "ang sakit ay hindi tinatago , kung nasasaktan ka iiyak mo yan , dahil kung itatago mo lang maiipon at maiipon lang yan at mas lalong masakit . di masamang pakawalan kung yan ang dahil nang paghihirap mo ."-kieffer Tumalikod na siya pagkatapos niyang sabihin yun , at unti unting bumagsak ang luha ko na matagal nang naipon sakin ,pinakawalan ko lahat ng sakit na nararamdaman ko . "ayoko na , hirap na hirap na ako . tama nga siya kailangan kong pakawalan ang bagay na nagbibigay ng sakit sa akin."-becca ----->