Prologo:
Naranasan mo na bang umibig?
At ang taong iniibig mo ay walong taon ang tanda sa'yo?
At higit sa lahat, ang tingin nya sa'yo ay bata o mas worse, nakababatang kapatid?
Kung ikaw yan, ano ang gagawin mo?
Gagayahin mo rin ba si Amy na pinikot si Nate?
At kakayanin ba ni Amy ang galit ng lalaking unang nagpatibok sa bata nyang puso?
Tunghayan po nating ang storyang nakakabaliw, nakakakilig, nakakaiyak, nakakinis, at higit sa lahat, magpapamahal at magtuturo sa atin na, oo nga naman, age doesn't matter when it comes to love at lahat na ng kabaliwan ay makakayang gawin, para lang sa taong mahal natin.
Paano kung itinaboy mo ang isang taong tunay na nagmamahal sa'yo? Tapos all this time pala, mahal mo din sya? Paano kung narealize mo ito pero huli na ang lahat?