Si Farrah ay isang binukot (native princess) na hinirang ng isang araw ay naligaw sya sa isang kagubatan at pinili syang gawing prinsesa ng mga tao dito dahil na din sa natatangi nitong kagandahan sa edad na 5 taon. Pagkatapos nun ay sinanay sya at tinawag na prinsesa Sulaya. Hindi lingid sa kaalaman ng nayon Wattak na si Sulaya ay may kakambal na nagngangalang Farreit. Makalipas ang 12 taon sa ika-18 kaarawan nila ay hinanap ito ni Farreit at swerte syang naaalala pa sya nito. Ngunit hindi niya alam na si Sulaya ay may karamdaman na ayaw nitong ipaalam sa nasasakupan. Dahil kapag nalaman nila ito ay ipapapatay ang lahat ng mga naging alipin niya, maging mga personal na tagapagtanggol at isasama sa hukay niya kapag siya ay namatay. Nang mamatay siya ay ibinilin niya kay Farreit na huwag pababayaan ang Wattak at ilihim ang pagkamatay niya hanggang sa ika-25 niyang kaarawan na maaari nang palitan ang binukot. Kasama si Hayun na kasintahan ng walang alam na si Rihiya ay dinala nila ito sa siyudad at ipinaalam sa mga magulang niya ang nangyari at inilibing ito. Sa kasalukuyan ay siyang ang namumuno sa Wattak at maigi niyang pinag-aralan ang mga epiko maging si Rihiya na tanging nakakakita sa binukot ay hindi naipagtanto na hindi na sya ang tunay na prinsesa Sulaya. Ngunit ayaw niya na makulong habambuhay sa tagong kagubatan kasama ang mga taong may malalalim na paniniwala sa kanya at sa kanilang kultura. Sinunggaban niya ang pagkakataon nang may Tagalabas na napadako duon at pinakasalan niya ito. Nagkaroon sya ng dahilan para makapunta muli sa Manila at ipagpakunwari si Rihiya bilang siya. Ngunit hanggang kailan ang pagkukunwari? Maging ang nararamdaman niya ba ay magiging huwad na din? O magkakatotoo at siya pala itong niloloko? ~~~~~~~~~~~ --under editing--All Rights Reserved