#1-cheating #1-truestory #1-givenup #2-giveup #3-loveaffair #4-infidelity "Halika ka nga Sabrina, mahiga ka sa damuhan at ide-demostrate ko ang tamang paghawak sa partner nyo."ang untag na wika nito sa kanyang tabi. Kahit nakapwesto na ang kanyang partner sa damuhan. PInahiga sya nito at hinawakan nito ang kanyang dalawang tuhod na pinagsiklop nito sabay pigil sa kanyang tuhod. Mahigpit nitong hinawakan ang nakasiklop nyang mga tuhod para di sya ma-out of balance. "Ok,do the curl up this way"utos nito sa kanila. Asiwang inangat nya ang kanyang katawan patungo malapit sa kanyang tuhod. Dahil nakahawak ito sa tuhod nya ng may kahigpitan, di nya maiiwasang magkalapit ang kanilang mga mukha sa tuwing ilalapit nya ang katawan sa kanyang tuhod. Nalalanghap nya ang mabangong perfume nitong gamit na nanunuot sa kanyang ilong patungo sa kanyang lalamunan. Wala sa loob na napatitig sya sa mga mata nito na parang nangungusap sa kanya. Namula ang kanyang mukha sa eksenang iyon. Di kayang salubungin ang mga mata nitong tila nanunuot hanggang buto. Nainis sya bigla rito kung bakit ba nman sya pa ang napili nitong pagdemostrehan ng ganoon. Nakasampung curl-ups sya bago sya nito pinakawalan at pinatayo matapos nitong pagawin sa mga kaklase nya ang curl-ups exercises nila sa gabing iyon. Tila sya sinilaban sa puwet na agad napalayo rito matapos syang makatayo. Pinanindigan pa sya ng balahibo sa batok sa tuwing maaalala nya ang mga hawak nito.